Diretsong 11sa San Antonio

LOS ANGELES--Umiskor is Tony Parker ng 25 points, habang humakot si Kawhi Leonard ng 22 points at 10 rebounds at tinalo ng San Antonio Spurs ang Lakers, 125-109, patungo sa kanilang ika-11 sunod na panalo.

Nag-ambag si Danny Green ng 16 points kasunod ang 12 ni Tim Duncan na kumalawit ng 16 rebounds para sa NBA-leading Spurs, hindi pa nanatalo simula noong Pebrero 21 at naipanalo ang 14 sa kanilang huling 15 laro.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Spurs kontra sa Lakers.

Kumolekta naman si Pau Gasol ng 22 points, 10 rebounds at 6 assists para sa Los Angeles.

Kumamada si Xavier Henry ng 24 points sa ika-anim na dikit na kamalasan ng Lakers sa huli nilang pitong laban.

Sa New Orleans, tumipa si DeMar DeRozan ng 31 points at may 14 si Greivis Vasquez para igiya ang Toronto Raptors sa 107-100 panalo laban sa Pelicans.

Tinapos ng Raptors ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.

Sa Denver, naglista si Aaron Brooks ng 27 points at career-high 17 assists para pamunuan ang Nuggets sa 118-109 panalo laban sa Detroit Pistons.

Nagdagdag si Randy Foye ng 22 points at may 14 si Kenneth Faried, habang kumolekta si J.J. Hickson ng 11 points at 11 rebounds para sa Nuggets.

Show comments