MANILA, Philippines - Natalo ang 13-anyos na si Monica Therese Cruz kay 13th seed Maddison Inglis ng Australia, 6-2, 6-1, para mabawasan pa ang mga nakatayong Filipina netters sa pagpapatuloy ng 25th Mitsubishi International Junior Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nakaabante sa second round si Cruz matapos ang bye sa first round ngunit hindi nakatulong ang dagdag pahinga sa batang netter sa mas mahusay na si Inglis.
Bunga nito ay naiwan na lamang kina Maia Bernadette Balce at Christyn Colleen Sioson ang karapatan upang balikatin ang laban ng host country sa Grade I tournament at may basbas ng International Tennis FedeÂration (ITF).
Sa kababaihan na laÂÂmang may panlaban sa singles ang Pilipinas matapos maubos ang siyam na entrada sa kalalakihan sa pagbubukas ng kompetisÂyon noong Martes.
Kasama sa nalaglag ang 14-anyos na si Alberto Lim Jr. na yumukod sa lucky loser na si Jack Wong ng Hong Kong, 3-6, 2-6.
Tunay na mataas ang lebel ng kompetisyon sa taong ito dahil nalagas din ang limang seeded players sa boys division.
Nanguna sa nasilat ay ang second seed na si Ken Onishi ng Japan sa kamay ni Mandresy Rakotomala ng France, 4-6, 1-6.
Ang iba pang seeÂded players na natalo ay sina 11th seed Alexander Klintcharov ng New Zealand na bumigay kay Rhet Purcell ng Great BriÂtain, 0-6, 2-6; 12th seed Lin Wei De na yumukod kay SharÂmal Dissanyake ng Sri Lanka, 4-6, 1-6; at 13th seed Daniel Nolan ng Australia na nabigo naman kay Jack Van Slyke ng Canada, 6-4, 5-7, 5-7. (AT)