Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. San Miguel Beer
vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Bumangon ang nagdedepensang Alaska mula sa isang kabiguan matapos talunin ang Air21, 88-78, tampok ang 23 points ni 2013 Best Import Rob Dozier sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagdagdag si Sonny Thoss ng 14 markers, habang may 13 si Calvin Abueva at tig-10 sina JVee Casio at RJ Jazul para sa ikalawang panalo ng Aces.
Samantala, ibabalik ng Barangay Ginebra ang two-time PBA Best Import na si Gabe Freeman upang bumalikat sa dumadausdos na kampanya ng Gin Kings kapalit ni Leon Rodgers.
Ayon sa sources, darating si Freeman, isang champion import sa PBA at Asean Basketball League sa Miyerkules kung saan makakaharap ng Gin Kings ang Globalport Batang Pier sa Biyernes.
Alaska 88--Dozier 23, Thoss 14, Abueva 13, Casio 10, Jazul 10, Hontiveros 6, Baguio 6, Dela Cruz 2, Espinas 2, Manuel 2, Reyes 0.
Air21-- 78 - Yeo 19, Lamizana 16, Taulava 11, Cardona 10, Borboran 9, VillaÂnueva 5, Ramos 4, Burtscher 2, Atkins 2, Jaime 0, Poligrates 0.
Quarterscores: 19-16, 38-41, 61-62, 88-78.