Dalawampu’t walong taon.
Ito ang edad ng Pilipino Star NGAYON. Dalawampung taon na siyang naglalakbay. At dahil sa Women’s month pa ngayon, ihahalintulad ko ang PSNGAYON sa isang babae.
Kung ang edad ng Pilipino Star NGAYON ay sa isang babae, maituturing na pagpapakita na ito ng katatagan.
Hindi ba’t sa edad na ito ay malaya at may angking kaÂtalinuhan na ang pag-iisip ng isang babae. Sa edad na ito ay mabunga na ang pag-iisip nito. Malayo na ang nalalakbay.
Ganito ang Pilipino Star NGAYON sa edad na 28 matatag, malaya, matalino at liberal.
Napakaraming taon na ang lumipas, halos tatlong dekada na ng isilang ang Pilipino Star NGAYON. At habang tumatagal ay lalo lamang na nagiging steady ang pag-angat ng Pilipino Star NGAYON. Mas maraÂming matino at makabuluhang babasahin sa PSNGAYON kumpara sa ibang mga naglipanang tabloids.
Sa bawat taon ng paglalakbay, mas mahusay ang bawat pahina.
Kaya sa mga gaya ko na empleyado ng PSNGAÂYON, tayo ay Great@28.
* * *
Kinailangan dumaan sa butas ng karayom ang AteÂneo Lady Eagles upang makuha ang kauna-unahang UAAP volleyball crown noong Sabado. Halos pigil ang aking hininga sa bawat hampas ng bola sa isang maituturing na pinakamagandang laban sa UAAP volleyball.
Sa kampeonatong iyon, gumawa na ng sariling kaÂsaysaÂyan ang Ateneo volleybelles
Pero kung tutuusin halos isang buwan na ang naÂkakaraan ng simulan ng Lady Eagles ang kanilang paglalakbay papunta sa kampeonato nang tumapos sila ng ikatlo sa elimination round.
Hindi katulad noong nakaraang taon na halos inaÂÂasahan ng lahat na sila ang magkakampeon, pero tumapos lamang ng ikatlo ang Lady Eagles.
Sa semifinals ay tinalo ng Lady Eagles ang No. 4 na Adamson Lady Falcons sa step-ladder semis, bago sinunod ang NU Lady Bulldogs sa knockout game.
Kung tutuusin nga ay underdog ang Ateneo kumÂpara sa mga Lady Bulldogs, Lady Spikers at Lady FalÂcons.
Binaligtad ng Lady Eagles ang thrice-to-beat advantage ng La Salle sa impresibong 25-23, 26-24, 25-21 panalo para sa kampeonato na pumutol sa hangarin ng La Salle na makamit ang four-peat.
Ito na kaya ang panahon para sa Ateneo volleybelles na sila naman ang magdomina sa liga?