^

PSN Palaro

DZMM ‘Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na’ sa Mayo 4

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtulong ng DZMM sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa pamamagitan ng fun run na “Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na” na nakatakda sa Mayo 4 sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Tanging ang 5km single category lamang ang fun run na layong makalikom ng pondo para sa pag-aaral ng mga piling batang papasok sa Grade 1 na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Kabisayaan at iba pang DZMM scholars.

Maaaring lumahok sa fun run ang mga may edad na 7 taon at pataas.

Magrehistro online sa dzmm.com.ph. Ang re­gis­tration fee ay nagkakahalaga ng P630, ngunit may early bird rate na P550 para sa mga magrerehistro ngayon hanggang Abril 4.

Ang mga magpapatala ay bibigyan ng race packet na may kalakip na race bib, singlet, at finisher’s kit na may bullcap at towelette.

 Para sa on-site registration na mag-uumpisa sa Marso 24, pumunta lang sa ABS-CBN Tulong Center, Lopez Drive, Quezon City, Toby’s SM North Edsa The Block, Toby’s SM Mall of Asia, at R.O.X. Bonifacio High Street. Para sa mga kata­nungan, tumawag sa sa 887-6194 o 415-2272 local 5603 at 5674.

BONIFACIO GLOBAL CITY

BONIFACIO HIGH STREET

MALL OF ASIA

NORTH EDSA THE BLOCK

QUEZON CITY

TABANG NA

TAKBO NA

TAYO NA

TULONG CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with