Pagsilang ng Pilipino Star Ngayon sumabay sa mainit na labanan sa PBA at Asian Games
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsilang ng pahayagang Pilipino Star NGAYON noong taong 1986 ay ilang pangyayari rin ang tumambad sa kaÂsayÂsayan ng Philippine sports.
Lumahok ang PiÂlipinas sa 1986 Asian Games na idinaos sa Seoul, South Korea noong Setyembre 20 hanggang Oktubre 5 kung saan tumapos ang mga Pinoy sa pang-anim sa overall medal tally sa likod ng nakolektang 4 gold 5 silver at 9 bronze medals.
Hinirang na overall champion ang China sa nakolektang 94 gold, 82 silver at 46 bronze medals kasunod ang South Korea (93-55-76), Japan (58-76-77), Iran (6-6-10) at India (5-9-23).
Ang mga atletang nag-uwi ng apat na gintong meÂdalya ay sina bowler Bong Coo, track and field star Lydia De Vega at golfer Ramon Brobio.
Si Coo ang nagÂpaÂÂgulong ng dalawang gold medals sa kanyang pagrereyna sa women’s Individual All Events at sa pagiging miyembro ng Team of Five.
Ang iba pang nakatuwang ni Coo sa koponan ay sina CaÂtalina Solis, Cecilia Gaffud, Rebecca Watanabe at ArianÂne Cerdena.
Itinakbo naman ng sprinter na si De Vega ang ginto sa women’s 100 meter run, samantalang naghari si Brobio sa individual event.
Sa aksyon sa Philippine Basketball Association (PBA) noong Agosto ng 1986, tinalo ng Tanduay Rhum Makers ni Arturo Valenzona ang Ginebra San Miguel ni Robert Jaworski, 3-1, sa kanilang best-of-five championship series para angkinin ang korona ng All-Filipino Conference.
Inangkin ng Ginebra ang Game One sa bisa ng kanilang 90-86 panalo kung saan nagbida sina Chito Loyzaga, Dondon AmÂpalayo at Francis Arnaiz sa ULTRA sa Pasig City.
Ang basket ni AmpaÂlayo ang bumasag sa 86-86 pagkakatabla nila sa Tanduay kasunod ang clutch jumper ni Arnaiz sa natitirang apat na segundo para selyuhan ang panalo ng Ginebra.
Rumesbak naman ang Rhum Makers sa Game Two makaraang itakas ang 118-115 panalo sa overÂtime.
Umiskor si forward JB Yango ng career-best na 40 points para itabla ang Tanduay sa 1-1 sa serye, habang tumipa si Arnaiz ng 33 markers sa panig ng Ginebra.
Ang basket ni Freddie Hubalde ang nag-angat sa Rhum Makers sa 106-104 kasunod ang tirada ni Arnaiz para puwerÂsahin ang five-minute extension period.
Muling nanaig ang Tanduay sa Game Three nang kunin ang 79-74 tagumpay at iposte ang 2-1 bentahe sa kanilang serye ng Ginebra.
Tuluyan nang inangkin ng Rhum Makers ang kampeonato nang sikwatin ang 93-92 panalo sa Game Four.
Isinalpak ni Hubalde ang dalawa niyang free throws sa huling anim na segundo para sa 93-92 abante ng Tanduay at naÂbigo naman sa kanyang salakÂsak si Jaworski sa hu-ling posesyon ng Ginebra.
Mula sa kabiguan sa All-Filipino Conference ay naghari naman ang Ginebra ni Jaworski sa Open Conference kontra sa Manila Beer Brewmasters ni mentor Tito Eduque, 4-1, sa kanilang best-of-seven title showdown.
Ito ang kauna-unahang PBA crown ng Ginebra sapul nang sumali sa professional league noong 1979.
Ibinandera ng Ginebra sina imports Billy Ray Bates at Michael Hackett katapat sina Michael Young at HaÂrold Keeling ng Manila Beer.
Sa Reinforced Conference ay nagbalik sa championship picture ang Tanduay at tinalo nila ang Great Taste Coffee Makers, 4-2, sa kanilang title wars.
Ito ang unang titulo ng Rhum Makers matapos ang 11 taon sa liga.
Sinandalan ng Tanduay sina imports Rob Williams at Andre McCoy katapat sina Jeff Collins at Michael Holton ng Great Taste.
Ang lahat ng mga akÂsyon at drama sa naturang mga pangyayari sa Philippine sports noong 1986 ay kumpletong naihatid ng Pilipino Star NGAYON sa mga mambabasa at hanggang ngayon ito ay nagpapatuloy.
Maasahan ng mga PSN readers na mababasa nila ang mga ito sa susunod pang anibersaryo ng kanilang paboritong tabloid.
- Latest