Air21 titikim ng 2-dikit na panalo
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. Air21 vs Alaska
MANILA, Philippines - Hindi kaagad nag-iinit si import Herve Lamizana sa first half. At alam ni Air21 head coach Franz Pumaren na kailangang magbigay ng produksyon ang kanyang mga local players.
“He’s like a diesel. It’s only in the second half that he gets his rhythm. So our locals have to step up,†wika ni Pumaren sa pagkamada ni Lamizana ng 24 points sa second half matapos mablangko sa first half para tulungan ang Express sa 103-85 panalo nila kontra sa Barako Bull Energy Cola noong Biyernes.
Hangad ang kanilang ikalawang sunod na panalo, sasagupain ng Air21 ang nagdedepensang Alaska ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nanggaling naman ang Aces sa 76-85 kabiguan sa Meralco Bolts noong Sabado.
Dala ng Talk ‘N Text ang 3-0 record para pangunahan ang labanan kasunod ang San Miguel Beer (2-1), Air21 (2-1), Meralco (2-1), San Mig Coffee (1-0), Rain or Shine (1-1), Barangay Ginebra (1-1), Barako Bull (1-2), nagdedepensang Alaska (1-3) at Globalport (0-4).
Kasalukuyan pang nagÂlalaro ang Tropang Texters at ang Energy Cola habang isinusulat ito at ang Gin Kings at Mixers.
Hindi pa nananalo ang Globalport ni rookie coach Pido Jarencio sa kanilang unang apat na asignatura.
- Latest