Tigerscribes kinuha ang 4-0 record sa PGBL

MANILA, Philippines - Tinalo ng Tigerscribes ang San Miguel Beer Drin­kers, 70-57, para kunin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa PSA-PSC-Smart Pakitang Gilas Bas­ket­ball League WilCab Cup no­ong Lunes ng gabi sa Ri­zal Memorial Coliseum.

Sa likod nina Cedelf Tu­pas ng Philippine Daily In­quirer Cedelf Tupas at Die­go Dela Paz ng Business Mirror, bumandera ang Ti­ger­scribes sa first half bago pigilin ang pag­lapit ng Beer Drin­kers sa third quarter at iposte ang 4-0 baraha sa tor­neong iti­­nataguyod ng Phi­lippine Sportswriters Association, Philippine Sports Commission at Smart.

Sa ikalawang laro, tumi­pa ng San Mateo Spurs ng 68-58 panalo kontra sa nagdedepensang Charlie's Dymons sa isang rematch ng Season 2 Finals.

Bumangon ang Spurs mula sa isang 10-point first half deficit para iposte ang 2-1 record sa cagefest na su­portado ng PRC, Milo Best, ACCEL at Magnolia Purewater.

Show comments