PBA players puwede ba sa FIBA 3x3 World Tour?

MANILA, Philippines - Maaaring magkaroon ng ilang PBA players sa ko­­ponang ipapadala para sa Asia-Pacific leg ng FIBA 3x3 World Tour na idaraos sa Tokyo sa Oktubre.

Ito ang inihayag kaha­pon ni  Samahang Basketbol (SBP) executive director Sonny Barrios sa PSA sports forum sa Shakey’s Ma­late.

Sinabi ni Barrios na ang Asia-Pacific leg ay gagawin sa Manila sa Hulyo at mag­kakaroon ng 12 teams, ka­sama rito ang tatlong ko­ponan ng Pilipinas.

Ang isang tiket ay naka­laan na para sa mananalo sa Philippine Under-18 3-on-3 Championships sa Ma­yo 24-25.

Ang isa pang puwesto ay bubuksan para sa tropa nina Kobe Paras, Prince Ri­vero at Alvin Tolentino na nagkampeon sa FIBA Asia 3-on-3 noong 2013.

Ayon sa dating PBA Com­missioner, ang ikatlong silya ay para sa kopo­nang lalaban nang husto sa  Asia-Pacific leg patungo sa World Tour sa Oktubre.

“We can assemble a PBA team, D-League team or a collegiate team for the third slot,” wika ni Barrios.

Ang mga legs ay lalaruin sa Beijing, Chicago, Lausanne, Rio de Janeiro at Prague.

Ang top two teams sa ba­wat leg ang aabante sa World Tour.

Nilinaw ni Barrios na wa­la pang napapanalisa pa­ra sa pangatlong kopo­nan ng bansa.

“It being July either the PBA is finished with third con­ference or if it is still on­going only two teams are left playing in the finals,” ani Barrios.

Show comments