PBA players puwede ba sa FIBA 3x3 World Tour?
MANILA, Philippines - Maaaring magkaroon ng ilang PBA players sa koÂÂponang ipapadala para sa Asia-Pacific leg ng FIBA 3x3 World Tour na idaraos sa Tokyo sa Oktubre.
Ito ang inihayag kahaÂpon ni Samahang Basketbol (SBP) executive director Sonny Barrios sa PSA sports forum sa Shakey’s MaÂlate.
Sinabi ni Barrios na ang Asia-Pacific leg ay gagawin sa Manila sa Hulyo at magÂkakaroon ng 12 teams, kaÂsama rito ang tatlong koÂponan ng Pilipinas.
Ang isang tiket ay nakaÂlaan na para sa mananalo sa Philippine Under-18 3-on-3 Championships sa MaÂyo 24-25.
Ang isa pang puwesto ay bubuksan para sa tropa nina Kobe Paras, Prince RiÂvero at Alvin Tolentino na nagkampeon sa FIBA Asia 3-on-3 noong 2013.
Ayon sa dating PBA ComÂmissioner, ang ikatlong silya ay para sa kopoÂnang lalaban nang husto sa Asia-Pacific leg patungo sa World Tour sa Oktubre.
“We can assemble a PBA team, D-League team or a collegiate team for the third slot,†wika ni Barrios.
Ang mga legs ay lalaruin sa Beijing, Chicago, Lausanne, Rio de Janeiro at Prague.
Ang top two teams sa baÂwat leg ang aabante sa World Tour.
Nilinaw ni Barrios na waÂla pang napapanalisa paÂra sa pangatlong kopoÂnan ng bansa.
“It being July either the PBA is finished with third conÂference or if it is still onÂgoing only two teams are left playing in the finals,†ani Barrios.
- Latest