Knicks pinatumba ang Sixers

Bumitin si J.R. Smith ng New York Knicks laban sa dalawang Philadelphia defender.

NEW YORK -- Nakatanggap ng sapat na tulong si Carmelo Anthony para gibain ang bumubulusok na Ph­iladelphia 76ers.

Umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 28 points para pa­ngunahan ang New York Knicks sa 123-110 panalo kon­tra sa 76ers.

Ipinalasap ng Knicks sa Sixers ang pang-17 sunod n­itong kamalasan.

Nagdagdag si Amare Stoudemire ng 23 points, ha­bang may tig-22 sina Anthony at J.R. Smith para sa ika­apat na sunod na panalo ng Knicks .

''I love nights like this,'' sabi ni Anthony. ''Four guys with 20-plus points. Sharing the ball. Making plays. Having fun out there. Taking the load off me. I love nights like that.''

Binuksan ni Hardaway ang fourth quarter mula sa isang 3-pointer at nagsalpak ng 5-of-8 fieldgoals para sa 21-point lead ng  Knicks sa 76ers.

Kinuha ng 76ers ang 67-66 abante mula sa dalawang free throws ni Jarvis Varnado sa 10:22 minuto sa third quarter, ngunit umiskor ang Knicks ng walong sunod na puntos para agawin ang unahan sa 74-67.

Nagposte naman si Michael Carter-Williams ng isang triple-double sa kanyang 23 points, 13 rebounds at 10 assists sa panig ng Philadelphia, nalugmok sa pinakama­haba nilang kamalasan sapul noong 1972-73 season.

Sa Miami, humugot si Dwyane Wade ng 13 sa kan­yang 22 points sa final period, habang umiskor si Le­Bron James ng 23 points para ibigay sa Miami Heat ang isang playoff spot matapos igupo ang Washington Wizards, 99-90.

Winakasan ng Heat ang kanilang three-game losing slump.

Show comments