MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng maÂgarbong selebrasyon sa La Salle ang nais gawin ng LaÂdy Archers sa pagharap sa karibal na Ateneo Lady Eagles sa UAAP women’s volleyball Finals ngayon sa Mall of Asia Arena sa PaÂsay City.
Kinuha ang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo noÂong Miyerkules, kailaÂngan na lamang ng Lady Archers na manalo para maÂkumpleto ang kanilang inaÂasam na ‘four-peat’ sa UAAP.
Alam ni La Salle head coach Ramil de Jesus na hindi magiging madali na taÂpusin ang laban dahil determinado ang Lady Eagles na makapuwersa ng ‘sudden death’.
“Kailangan ko rin na taÂpatan ang gagawin ng Thai coach nila. Kailangan talagang magpursigi at kapitan na ito,†pahayag ni De Jesus na hanap ang kanyang ika-siyam na titulo sa liga.
Ang mga beteranong siÂna Ara Galang, Mika Reyes, Abi Maraño at Kim Fajardo ang mga huhugutan ni De Jesus ng lakas dahil bihasa na sila sa ganitong labanan.
Nananalig din siya na gaÂgana ang serve game nila na sa huling labanan ay nagkaroon lamang ng apat na puntos.
Tiyak namang totodo sa paglalaro si Alyssa Valdez paÂra magpatuloy ang laban ng Ateneo na makakuha ng titulo matapos ang magkaÂsunod na pangalawang puÂwestong pagtatapos sa liga.
May 15 puntos si Valdez sa huling laban at alam niya na dapat pa niyang itaas ang kalidad ng paglalaro paÂra magbigay pa ng inspirasyon sa mga kakampi.
Ang pagkaka-check kay Valdez ay nagresulta rin sa mahinang kontribusyon niÂna Jorella Marie De Jesus at Amy Ahomiro na tumapos lamang taglay ang tig-siyam na puntos.
Dapat ding mabawasan ang kanilang errors na sa huÂling tagisan ay pumalo sa 38.
Ngunit ang mahalagang bagay sa posibleng ikakapaÂnalo ng Lady Eagles ay ang kondisyon ng liberong si Dennise Michelle Lazaro.
Sasabak sa aksyon ngaÂyon si Lazaro pero dapat na gumaling ang kanyang left sprain ankle para pamuÂnuan ang depensa ng koponan.
Nakita ang kahalagahan ni Lazaro sa huling laro dahil kinailangan siyang ilabas sa first set at hindi ibinalik sa seÂÂcond set kaya nakalayo kaagad ang La Salle. sa 2-0 bentahe kontra sa Ateneo (ATan)