Matapos isubi ang ika-8 titulo sa NCAA Cheering competition, National Cheerleading Championship ang sunod na tatargetin ng Altas Perps Squad

   Kasama ng Altas Perp Squad si Anthony Tamayo, presidente ng Perpetual Help na nagbunyi matapos mapagwagian ang ika-8 titulo sa Cheering Competition sa pagsasara ng hostilidad ng 89th Season ng NCAA nitong Huwebes.

MANILA, Philippines - Noong 2003, ang Perpetual Help ay nagsisimula pa lamang pag-aralan ang mga galaw na kailangan sa Cheerleading Competition.

Sampung taon ang lumipas, ang Altas na ang tinitingala bilang pinakama­husay sa event na ito sa NCAA.

Hinawakan ng Perpe­tual Perps Squad ang ika­limang sunod na titulo noong Huwebes nang pag­harian pa ang 2014 edis­yon sa nakuhang 480.5 pun­tos.

Ito na rin ang ikawalong titulo ng Perpetual sa 10 edisyon at tinukoy ng coach na si Ruf Vandolph Rosario na ito ay nangyari dahil sa dedikasyon sa pagsasa­nay, disiplina at tiwala sa isa’t isa.

“From the start, we always preach the words hardwork, discipline and faith on each other’s ability,” wika ni Rosario.

Hindi rin tumigil ang coaching staff sa paghaha­nap ng paraan para mapa­ganda pa ang mga routines kaya’t lagi silang may bagong ipinakikita sa mga acrobatic stunt, pyramid, cartwheel at sayaw.

“We know that the other schools have improved so we made sure our routines and stunts will be more difficult this year,” dagdag ni Rosario.

Inialay ng koponan ang tagumpay sa mag-amang sina Antonio at Anthony Tamayo na walang sa­wang ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ng koponan.

Matapos ang NCAA, ang tatargetin ng Perpetual ay ang kampeonato sa National Cheerleading Championship.

“Hopefully, we can make the school proud again by winning this next event we’re joining,” dagdag pa ni Rosario.

Show comments