MANILA, Philippines - Bilang isang world welterweight champion, kaila-ngang bigyan ng respeto si Timothy Bradley, Jr.
Ayon kay trainer Freddie Roach, ipinagdiwang kahapon ang kanyang pang-54 kaarawan sa GeÂneral Santos City, na hindi sila magkukumpiyansa sa pagharap ni Manny PacÂquiao kay Bradley sa rematch sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Abril 12.
Si Bradley ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion at hindi ito dapat maliitin, ayon kay Roach.
“Bradley’s the chamÂpion, we respect that,†wika ni Roach. “All I can guaÂrantee is Manny will be 100 percent for Bradley, that means he’ll have his power and speed. Manny’s motivated. I predict a great fight.â€
Dumating si Roach sa General Santos City noong Pebrero 24 mula sa Macau kung saan niya tinulungan si Chinese flyweight Zuo Shiming, isang two-time Olympic gold medalist, sa panalo laban kay Yokthong Kokietgym via seventh round knockout.
Nakatakdang umuwi si Roach sa Los Angeles sa Sabado ng gabi kasabay si Pacquiao para sa pagsisimula ng kanilang training camp sa Wild Card Gym sa Lunes.
Kinumpirma ni Roach na muli nilang makakasama sa kampo si dating heaÂvyweight fighter Justin Fortune bilang strength and conditioning coach.
Ang 48-anyos na si Fortune ang strength and conditioning coach ni Pacquiao sa loob ng anim na taon bago sila nagkagalit ni Roach noong 2007.
Si Alex Ariza ang siya namang pumalit kay Fortune.
Sa panalo ni Pacquiao kay Brandon Rios noong Nobyembre ay si Gavin McMillan ang pansamantalang kinuha ni Roach bilang strength and conditioning coach.
Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, mismong ang Filipino icon ang humiling na muling kunin si Fortune.
Sinabi naman ni Roach na wala siyang problema sa pagbabalik ni Fortune sa kanilang grupo.
Sa isang telephone interview mula sa kanyang Los Angeles gym, sinabi ni Fortune na natutuwa siyang muling makasama sina Pacquiao at Roach.
Nang tanungin kung ano ang gagawin ni Pacquiao sa kanilang rematch ni Bradley, sinabi ni Roach na ito ay tungkol sa pressure.
Alam na ni Pacquiao ang kanyang gagawin, ayon kay Roach.