Gilas gustong isali sa PBA Governor’s Cup
MANILA, Philippines - Para mapalakas ang preparasyon ng Gilas Pilipinas ukol sa darating na 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa Spain ay may panukala na isali ang koponan sa PBA Governors Cup.
“Consultations are on-going. There’s a lot of dialogue and channeling, but there’s an official process,†sabi ni PBA board chairman Mon Segismundo.
Maliban sa World Cup ay lalahok din ang Gilas Pilipinas sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea.
Sa nakaraang PBA Board resolution, ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas ay ipapahiram sa national team matapos ang 2013-14 PBA season sa Hulyo.
Ang panukala para sa paglalaro ng Gilas Pilipinas sa PBA Governors Cup ay natalakay sa unang practice session ng koponan noong Lunes sa PhilSports Arena sa Pasig.
“For me, yes (on Gilas suiting up for the final conference of the season). Anything that can give us more time to prepare and practice would be good for us,†ani national head coach Chot Reyes.
Sa ensayo ng Gilas pool ay si Jeff Chan ang tanging hindi nakasipot.
Pinanood ni SBP exeÂcutive director Sonny Barrios ang practice session at napag-usapan ang posiÂbilidad na paglaruin ang Gilas Pilipinas sa PBA third conference.
Dati nang may national team na tumatayong guest team sa isang PBA tourney.
Ang kuwestiyon na lamang ay kung handa ba ang PBA na muling baguhin ang kanilang kalendaryo at tournament format.
- Latest