8 NSAs nakapagsumite na ng programa sa Asiad TF
MANILA, Philippines - Inaasahang sisimulan na sa Biyernes ang ikalaÂwang pagpupulong ng Asian Games Task Force at ng National Sports Associations (NSAs) na nais na makapaglahok ng manlalaro sa Pambansang deÂlegasyon na ipadadala sa Incheon, Korea.
Nakausap na ng TF ang mga NSAs na puwedeng sumali at ang mga nabigyan na ng puwesto sa delegasyon ay ang team sports na softball, rugby at men’s basketball habang ang mga BMX riders na sina Fil-Ams Daniel at Chris Caluag lamang ang pasado sa individual sports.
Ang criteria na naÂpagkasunÂduan ang dapat na entrada ng Pilipinas ay nasa Top five sa nilahukang Asian o World Competition kung ihahanay sa tinapos ng Asian countries sa nasabing torneo.
Ang mga programa na balak gawin ng NSAs ang pagu-usapan sa second round meeting at sa kasalukuyan ay walo pa lamang ang nakapagsumite.
Kasama na rito ang softball at rugby habang ang boxing, taekwondo, triathlon, soft tennis, gymnastics at sepak takraw ang tumalima na sa naunang kautusan ng TF.
“Ang mga nakapagpasa na ng kanilang programs ang siyang una naming kakausapin. Hindi naman puwedeng maghintay kami sa kanila. Kung okey sa Task Force ang kanilang programa ay puwede na silang magsimula ng kanilang paghahanda,†wika ni POC chairman at TF member Tom Carrasco Jr.
Nauna nang inihayag ni PSC chairman at Asian Games Chief Of Mission Ricardo Garcia ang paglalaan ng P50 milyon pondo para sa paghahanda ng Pambansang atleta.
Hanggang Agosto 15 pa ang pagtanggap ng atleta dahil karamihan sa kanila ay dadaan sa mga qualifying tournaments.
- Latest