Laursen matagumpay na naidaos ang MMA event para sa mga biktima ni Yolanda

MANILA, Philippines - Matagumpay na nai­daos ni Fil-Danish world Muay Thai at MMA champion Ole Laursen ang amateur Mixed Martial Art weekeend event sa Legacy Gym Complex sa Diniwid road sa Boracay.

Walong laban ang iti-nampok sa naturang fight card na nagpakita sa mga MMA fighters mula sa Sweden, Brunei at Pilipinas.

Kasama sa naturang two-day event ang isang amateur MMA fight at lib­reng seminar sa Muay Thai at Brazilian Jujitsu na personal na pinangasiwaan ni Laursen.

Ang kanyang hangarin ay ang makapag-develop ng mga fighters na maa­aring lumaban sa world stage kagaya ng UFC.

Ang event ay hindi lamang para sa training at entertainment kundi para na rin sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

Ang mga natipong pon-do ay gagastusin para sa mga gamot.

Show comments