^

PSN Palaro

Pinas sa combat sports aasa ng gold sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga combat sports na pinagkukunan ng medalya ang siya pa ring aasahan ng Pilipinas para sa darating na 17th Asian Games na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Ok­tubre 4 sa Incheon, South Korea.

Ang mga ito, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) chairman Tom Carrasco, ay ang bo­xing, taekwondo at wushu.

Sa nakaraang Asian Games sa Guangzhou, Chi­na noong 2010, nag-uwi ang delegasyon ng kabuuang 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals para tumapos na pang-18.

Ang tatlong ginto ay nagmula kina boxer Rey Saludar, billiards player Dennis Orcollo at bowler Biboy Rivera.

“Potential is boxing and taekwondo,” sabi ni Carrasco, miyembro ng joint POC-Philippine Sports Commission (PSC) Asiad Task Force, kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila. 

Tanging ang Gilas Pilipinas, Blu Girls (women’s softball team) at men’s rug­by seven squad ang na­kapasa sa kriteryang inil­atag ng Task Force.

Hindi naman nagpahayag ng kanyang medal projection si Carrasco ukol sa magiging kampanya ng bansa sa Incheon Asian Games.

vuukle comment

ASIAD TASK FORCE

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

BLU GIRLS

CARRASCO

DENNIS ORCOLLO

GILAS PILIPINAS

INCHEON ASIAN GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with