Tuloy ang dating ng biyaya kay Martinez
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtanggap ng Filipino figure skater na si Michael Christian MarÂtinez ng pagbati at gantimpala bunga ng magandang ipinakita sa Winter Games sa Sochi, Russia.
Ang pamahalaang lokal ng Muntinlupa City ang siyang nagpaabot ng kanilang mainit na pagbati sa 17-anyos na si Martinez kahapon ng umaga.
Isang motorcade ang isinagawa muna at matapos nito ay ibinigay kay Martinez ang P100,000.00 insentibo matapos bigyan ng karangalan ang Pilipinas sa Winter Games.
Hindi nanalo ng meÂdalya si Martinez sa Sochi pero tumapos siya sa 19th place sa 30 na naglaban.
Makasaysayan ito dahil siya ang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure stakers na nakasali sa kompetisyong ito at naÂgawa niyang umabot sa medal round kahit ang Pilipinas ay hindi nakikitaan ng winter season.
Si Martinez ay bumalik ng bansa noong Linggo at ginawaran siya ng maÂgarbong pagsalubong na pinangunahan ni SM Prime Holdings president Hans Sy.
Sa seremonya na ginawa sa SM Mall of Asia, tampok na insentibo na ibinigay ni Sy ang $10,000.00 tseke at ang libreng paggamit sa lahat ng ice skating rinks na pag-aari ng SM.
Ang $10,000.00 halaga bilang insentibo ang ikalawang natanggap ng batang figure skater matapos ang pahayag ni sports patron Manny V. Pangilinan na magpapalabas ng ganitong halaga gamit ang MVP Sports Foundation.
“SM is fully prepared to support him in his training. Definitely the support will be there,†wika ni Sy.
Masaya naÂman ang ina ni Martinez sa mainit na pagtanggap sa naabot ng kanÂyang anak at naniniwalang kayang mahigitan ng figure skater ang naabot kung palarin na maÂkapasok pa sa 2018 Winter Games sa Pyeongchang, South Korea.
Panandalian lamang ang pahinga ni Martinez dahil lilipad siya sa US para sa paglahok sa World Junior Figure Skating Championship mula Marso 10 hanggang 16 sa Sofia Bulgaria.
Target ni Martinez na higitan ang panlimang puwestong pagtatapos noong 2013 edisyon sa pagsali sa Bulgaria.
- Latest