Martinez agaw-pansin sa Winter Games

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Michael Christian Martinez na makakapagpakita siya ng maganda sa kanyang re­­cord stint sa 2014 Winter Olympics.

Makakasabayan ni Mar­tinez ang mga batikang atleta sa men’s figure ska­ting event ng Sochi Winter Games sa Russia sa Huwebes ng gabi.

Sasabak ang natata­nging Filipino bet sa short prog­ram round sa Iceberg Skating Palace.

Hangad niyang maka­pa­sok sa Top 24 para sa tsan­sang makakuha ng sil­ya sa final Free Skate round sa Biyernes.

Sasayaw siya sa love theme ng ‘Romeo and Ju­liet ‘ ni Niño Rota.

Magiging tampok sa kanyang routine ang Triple Axel at Triple Loop jump.

Ang 17-anyos na si Mar­tinez mula sa Muntinlu­pa ang kauna-unahang Filipino na lalahok sa Winter Olympics .

“This is for my mother, for God, for my family and for the country,” sabi ni Mar­tinez.

Bilang pinakabatang skater sa men’s event at malinaw na kulang sa eks­peryensa at pagsasanay, hin­di ikinukunsiderang ma­nalo si Martinez.

Ngunit nakaagaw naman siya ng eksena.

Ang tinaguriang “Gol­den Boy of Skate” ay nai­tampok na sa ilang Russian papers.

Sa Sochi Olympics web­site ay siya ang isa sa may pinakamaraming sup­porters,.

Pangatlo siya kina female skater Luna Kim at three-time Olympic meda­list Evgeny Plushenko.

“The young boy is very talented, he jumps very well, but of course, he still has to work on some elements,” sabi ni Victor Kudryavtsev, ang coach ni Mar­tinez, sa panayam ng Rus­sian news agency na RIA Novosti.

“What impresses me most is how Martinez has learned to skate in such appalling conditions,” dagdag pa nito.

 

Show comments