Rain or Shine nakauna sa finals

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3:30 p.m. Ginebra vs San Mig Coffee (Game 5)

 

MANILA, Philippines - Hindi naging hadlang sa Rain or Shine ang pag­kawala ni coach Yeng Guiao nang tuluyan ng ta­pusin ang kanilang best-of-seven semis wars ng Petron Blaze sa pamama­gitan ng 97-88 pananaig sa Game 5 ng PBA Philippine  Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Beau Belga ng 18 puntos, habang gumawa naman sina Jef Chan at Ryan Araña ng 17 at 16 puntos upang pa­ngunahan ang mainit na pagbangon ng Painters matapos ang malamig na panimula sa first half para angkinin ang unang tiket sa Finals sa bis ang 4-1 iskor.

Ito ang ikalawang su­nod na pagpasok ng kum­panyang pag-aari nina Terry Que at Raymond Yu sa Finals ng All Filipino Cup.

“Mahirap pero nag-survive kami.  Para sa iyo ito coach (Guaio). Mahal ka namin kaya kami naglalaro ng ganito,” wika ni Belga.

Rain or Shine 97 - Belga 18, Chan 17, Lee 16, Araña 10, Norwood 9, Rodriguez 8, Cruz 6, Quiñahan 5, Tang 4, Almazan 2, Nuyles 2, Tiu 0, Teng 0, Ibañes 0.

Petron 88 - Santos 20, Kramer 18, Fajardo 16, Kramer 8, Cabagnot 8, Hubalde 6, Tubid 5, Ross 4, Lutz 2, Taha 1.

Quarterscores: 22-31, 45-52, 72-69, 97-88.

Show comments