Suntok sa buwan.
Iyan ang tila nasambit ni Philippine men’s basketball National team head coach Chot Reyes makaraang mapasama sa malalakas na kalaban.
Hangad na nga lamang ni Reyes ay ang makasaÂbit sa ikalawang round.
Pero, kahit na ganito ang pananaw ni Reyes, naÂÂniniwala pa rin ako na maganda ang maipapakita ng Pilipinas.
Hindi naman sa nagiging ilusyunada ako, pero sabi nga kung mag-aambisyon na nga lamang ay lakihan na, ‘think big,’ ika nga.
Isang napakalaking karanasan (at karangalan) na ang mapasama sa FIBA World Cup. Huling napasama sa kompetisyon ang bansa ay noon pang 1978 nang tayo ang mag-host at pumang-walo sa mga kalahok.
Upang makapasok sa ikalawang round, kinakaila-ngan ng mga bata ni Reyes na manalo nang hindi baÂbaba sa dalawang laro.
Ngayon pa lamang ay kinakailangan nang magÂhanda--pisikal at mental-- ang Philippine National team sa inaasahan natin na matinding kalaban.
Maging si Reyes ay aminado rin na mahihirapan sila. Pero kahit na ano ang mangyari, tulad sa eliminaÂtion round, ay nasa likod tayo ng Philippine team.
Mas maigi sana kung mapapasama ang bansa sa top 16. At kahit suntok sa buwan pa ito, saludo pa rin tayo sa Gilas Pilipinas cagers.
Kasama ang Pilipinas sa Group B, tulad ng Sevilla, Senegal, Puerto Rico, Argentina, Greece at Croatia.
Go, go, go Philippine team!