^

PSN Palaro

Reyes aasa sa sorpresa

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Suntok sa buwan.

Iyan ang tila nasambit ni Philippine men’s basketball National team head coach Chot Reyes makaraang mapasama sa malalakas na kalaban.

Hangad na nga lamang ni Reyes ay ang makasa­bit sa ikalawang round.

Pero, kahit na ganito ang pananaw ni Reyes, na­­niniwala pa rin ako na maganda ang maipapakita ng Pilipinas. 

Hindi naman sa nagiging ilusyunada ako, pero sabi nga kung mag-aambisyon na nga lamang ay  lakihan na, ‘think big,’ ika nga.

Isang napakalaking karanasan (at karangalan) na ang mapasama sa FIBA World Cup. Huling napasama sa  kompetisyon ang bansa ay noon pang 1978 nang tayo ang mag-host at pumang-walo sa  mga kalahok.

Upang makapasok sa ikalawang round, kinakaila-ngan ng mga bata ni Reyes na manalo nang hindi ba­baba sa dalawang laro.

Ngayon pa lamang ay kinakailangan nang mag­handa--pisikal at mental-- ang Philippine National team sa inaasahan natin na matinding kalaban.

Maging si  Reyes ay aminado rin na mahihirapan sila.  Pero kahit na ano ang mangyari, tulad  sa elimina­tion round, ay nasa likod tayo ng Philippine team.

 Mas maigi sana kung mapapasama ang bansa sa top 16.  At kahit suntok sa buwan pa ito, saludo pa rin tayo sa Gilas Pilipinas cagers.

Kasama ang Pilipinas sa Group B, tulad ng  Sevilla, Senegal, Puerto Rico, Argentina, Greece at Croatia.

Go, go, go Philippine team!

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GROUP B

PERO

PHILIPPINE NATIONAL

PILIPINAS

PUERTO RICO

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with