^

PSN Palaro

Mixers lalapit sa Finals

Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

8 p.m.- San Mig Coffee

vs Barangay Ginebra

 

MANILA, Philippines - Bitbit ang mahalagang momentum, pagsisikapan ng San Mig Coffee na ilapit ang sarili sa isang hakbang tungo sa puwesto sa championship round sa pagsukat uli sa Barangay Ginebra sa Game Four ng PLDT-MyDSL PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganap na alas-8 ng gabi mapapanood ang natatanging laro sa liga at sisikaping sakyan ng Mi­xers ang 97-89 panalo na ginawa noong Linggo.

“We’re still not comfor­table being at 2-1,” wika ni Mixers coach Tim Cone. “It’s a tough series and we need to play A-plus to beat this team.”

Hanap ni Cone ang ener­hiya na ipinamalas ng kanyang mga alipores noong Game Three para matapatan ang tiyak na pagbalikwas ng Gin Kings.

Hindi pa natatalo ng da­la­wang sunod ang crowd-favorite team sa ligang ito at hindi papayag si coach Renato Agustin na mangyari ito sa mahalagang punto ng best-of-seven semifinals series.

Kapag naisuko nila ang bakbakang ito, kailangan ng Gin Kings na manalo ng dalawang sunod sa Mixers, bagay na mahirap gawin lalo pa’t maganda ang pagtutulungan ng Mixers.

Ang bench uli ang sasandalan ng fifth seed Mixers para palawigin sa mas kumportableng kalamangan ang iskor sa serye.

Off-the-bench si Barroca at sa huling laro ay tumipa ng nangungunang 25 puntos bukod pa sa  pagkakaroon ng walong re­bounds, limang assists, tig-isang steal at block at isang error lamang sa 32 minutong paglalaro. (ATan)

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

GAME FOUR

GAME THREE

GIN KINGS

LARO NGAYON

PHILIPPINE CUP

RENATO AGUSTIN

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with