Jr. NBA bumasag ng record sa Cebu

MANILA, Philippines - Sa pagbabalik ng Jr. NBA sa Cebu kahapon ay bumasag ito ng rekord sa bilang ng lumahok matapos humakot ng 1,152 Jr. NBA at Jr. WNBA participants mula sa 86 paaralan, 11 siyudad at tatlong probinsya na idinaos sa Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Ang naturang bilang ang bagong naitala sa school clinic attendance para sa Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines na inihahandog ng Alaska.

Ang seven-year old youth basketball program ay huling idinaos sa Cebu noong 2011.

Sinira nito ang dating 1,113 bilang ng partisipante sa Ateneo de Davao noong nakaraang taon.

 

Show comments