Panganganak ni Jinkee, kasabay ng Pacquiao-Bradley 2?

MANILA, Philippines –  Naniniwala ang matalik na kaibigan at trainer ni Manny Pacquiao na magdadala ng suwerte ang panganganak ni Jinkee Pacquiao sa nalalapit na laban ng Filipino boxing icon.

Sinabi ni Buboy Fernandez na maaaring magkasabay ang rematch ni Pacquiao sa Amerikanong si Timothy Bradley sa Abril at ang panganganak ni Jinkee.

"Expected kasi April daw eh, so mas maganda sanang mas maaga-aga ng April," banggit ni Fernandez sa kanyang panayam sa radyo ngayong Biyernes.

Kaugnay na balita: Pacquiao magiging ama sa panlimang anak nila ni Jinkee

Nakatakdang lumaban ang Sarangani representative sa Abril 12 sa Las Vegas, Nevada kung saan balak niyang bumawi sa kontrobersyal na panalo ni Bradley sa una nilang pagkikita noong Hunyo 2012.

Panlimang anak na ang inaasahan ni Jinkee at Manny na magiging kapatid nina Jimuel, Michael, Princess and Queenie.

Inaasahang sa susunod na linggo lalabas ang detalye ng laban ni Pacquiao at Bradley, ayon pa kay Fernandez.

“We're very thankful that God gave us a new addition to our family," sabi ni Sarangani province Vice Governor Jinkee sa isang panayam sa telebisyon noong Oktubre.

Inamin din ni Jinkee na hindi nila inaasahang ang bagong biyaya ng natanggap.

"Minsan kasi, tayo, sasabihin, 'Ay, ayoko na kasi apat na.' Pero if God wants to have more, why not? Tatanggapin natin," kuwento ni Jinkee.

Show comments