Li may tiket na sa semis ng Aussie Open

   Ibinalik ni Li Na ng Chi­na ang bola sa kalabang si Flavia Pennetta ng Italy sa quarterfinals ng Australian Open sa Melbourne. Tinalo ni Li si Pennetta sa straight set.

MELBOURNE--Nana­natiling buhay ang laban ni two-time finalist Li Na ng China sa Australian Open matapos talunin si Flavia Pennetta, 6-2, 6-2, at umabante sa semifinals   noong Martes .

Agresibo ang No. 4 see­ded na si Li at lumamang agad sa 5-0 sa unang set para itakas ang panalo sa larong tumagal lamang ng 67 minuto.

Talunan nina Victoria Azarenka (2013) at Kim Clijs­ters (2011) sa Finals, magtatangka si Li na uma­bot sa championship round sa ikalawang sunod na taon at pangatlo sa huling apat na edisyon sa pagpa­nalo sa semis kontra sa alin­man kina Ana Ivano­vic ng Serbia at Eugenie Bouchard ng Canada.

Si Ivanovic ang siyang tu­mapos sa kampanya ng top-ranked na si Serena Williams sa three-set win noong Linggo.

Sa men’s division, mag­kikita sina No. 3 David  Ferrer at No. 7 Tomas  Ber­dych sa unang quarterfinals match.

Ang top-ranked na si Rafael Nadal ay makikipagtagisan kay Grigor Dimitrov habang ang Wimbledon champion na si Andy Murray ay mapapalaban  sa 17-time Grand Slam champion Roger Federer.

Ang pagtutuos nina three-time defending cham­pion Novak Djokovic at  No. 8 Stanislas Wawrinka ang kukumpleto sa labanan sa quarterfinals.

Show comments