Dating tinalo ni Pacquiao na si Mosley nasa Pinas

MANILA, Philippines – Nasa bansa ngayon ang isa sa mga biniktima ng Filipino boxing icon Manny Pacquiao upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”

Dumating ngayong Martes ang boksignero si Shane Mosley kasama ang abogado niyang si Sydney Hall at manager Germaine Gilles.

Pansamantalang nanunuluyan ang kampo ng boksingero sa isang hotel sa Makati City.

Inaasahang darating ang UK promoter Dennison Hobson upang makasama si Mosley.

Naiulat pa na umano’y maghahanap din si Mosley ng boksingero sa bansa.

Nanaig noong 2011 si Pacquiao laban sa walang labang si Mosley na dating kampeon ng lightweight, welterweight at  light middleweight.

Nais ni Mosley na makalikom ng pondo para sa mga biktima ni Yolanda sa pamamagitan ng United Boxing Relief Funds.

Show comments