BP National Finals handa na sa Bacolod City

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa PSC-POC Batang Pinoy Natio­nal Finals sa iba’t ibang palaruan sa Bacolod City.

Ang kompetisyon ay mangyayari mula Enero 28 hanggang Pebrero 1 at ito ay dapat ginawa noon pang Nobyembre pero tumama sa bansa ang super typhoon Yolanda para kanselahin ang kompetisyon.

Tinatayang nasa 2000 batang manlalaro edad 15 pababa na nanalo ng medalya sa Luzon, Visayas at Mindanao regional eliminations ang tutungo sa Bacolod para lumahok sa 21 sports disciplines.

Ang Panaad Sports Complex ang siyang main stadium dahil dito gagawin ang laro sa athletics, swimming, arnis, cycling at triathlon.

 Sa Enero 28 ang ope­ning ceremony at sina PSC chairman Ricardo Gar­cia at POC president Jose Cojuangco Jr. ang ma­­ngunguna sa mga opisyales sa larangan ng palakasan at sina dating POC chairman at ngayon ay Bacolod Mayor Monico Puentevella at Negros Occidental Governor Alfredo Maranon Jr. ang magdadala sa host LGUs.

 

Show comments