Malayo pa ang Asian Games sa Incheon. Pero ngaÂyon pa lamang ay nais nang malaman ng lahat kung anu-ano ang criteria para makasama sa Philippine National team.
Ang sabi ni Jose Romasanta, chef de mission sa 2010 Asiad sa Guangzhou, ang bronze medal standard sa Asian Games, World Championships, o sa Olympics ang dapat na makasama sa Incheon.
At sang-ayon tayo sa standard na ito.
Talaga namang nararapat lamang na bronze meÂdal standard ng Asian Games, World Championships, o ng Olympics ang dapat na makasama at maglaro sa Incheon.
Ibang antas na kasi ang Asian Games. Mas malaki, mas matikas, at mas makinang ang Asiad kaysa sa SEA Games. Hindi ba’t kadalasan ay ito ang nagiging qualifying nga para sa Olympics.
Maging ang gold medal sa nakaraang Myanmar ay hindi isang kasiguruhan na ang atleta ay papasa sa Asian Games. Marami kasing mga gold standard sa SEA Games ay hindi man lamang makalapit sa bronze standard ng Asian Games.
Hindi bale nang kakaunti lamang ang makasama sa Asiad, pero sigurado namang makapagbibigay ito ng medalya at makakatulong sa kampanya ng Pilipinas sa Asiad.
Kung sa SEA Games ay medyo naghigpit ang PSC at Philippine Olympic Committee, dapat ay mas maghigpit o tripleng higpit ang kanilang criteria rito sa Asian Games.
Kinakailangan na hindi basta-basta magpapadala na lamang ng atleta para lang magpatalo.
Dapat din namang tigilan ng mga athletes at NSAs ang kanilang paggamit ng padrino upang makasama sa Asiad. Patunayan nila na dapat silang ipadala rito.
Kadalasan kasi ay “bumibigay†ang PSC at POC kapag nakiusap na ang kung sinu-sinong mga opisyal ng National Sports Association, o sinumang padrino ng athlete.
Kinakailangan na laging isaisip ng PSC at POC na pera ng bayan ang kanilang ginagastos at nararapat lamang itong masulit.
At masusulit lamang ang buwis na ibinabayad ni Juan dela Cruz kung mahuhusay at nasa standard ang mga atletang ipadadala.