MELBOURNE--NaÂisanÂtabi ni Maria Sharapova ang matinding hamon na ibinigay ni Alize Cornet nang talunin ito, 6-1, 7-6 (6), at umabante sa fourth round sa Australian Open.
Ang larong ito ay ginaÂwa sa temperatura na umaÂbot sa 22 Celsius (72 Fahrenheit) ngunit mas maÂÂlamig ito kumpara sa 42 C (108 F) nang hinarap at tinalo si Karin Knapp sa second round sa larong nagtagal ng tatlong oras at 28 minuto.
Ito lamang ang ikalawang torneo ni Sharapova matapos mapahinga dahil sa right shoulder injury.
“After the last match I’m happy to get through this,†wika ni Sharapova. “Definitely need to step it up.â€
Matapos ang madaling panalo sa first set ay napahirapan si Sharapova dahil na rin sa kanyang anim na double faults at gumawa ng 29 sa 35 unforced errors sa nasabing set.
Sunod niyang kaharap si Dominika Cibulkova na pinagpahinga ang 16th seed na si Carla Suarez Navarro, 6-1, 6-0.
Ang dating No. 1 ranked Jelena Jankovic ay nanaig kay Kurumi Nara, 6-4, 7-5, upang itakda ang pagkikita nila ng No. 11 Simona Halep na umabante sa 6-1, 6-4, tagumpay kay qualifier Zarina Divas.
Ang fifth seed na si Agnieszka Radwanska ay bumangon sa pagkatalo sa first set tungo sa 5-7, 6-2, 6-2, laban kay Anastasia Puvlyuchenkova at sunod niyang susukatin si Garbine Muguruza ng Spain, isang 4-6, 7-5, 6-3, panalo kay dating No. 1 ranked Caroline Wozniacki.