^

PSN Palaro

Lady Bulldogs pinigil ang Lady Tamaraws

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. UST vs UE (M)

10 a.m. Adamson vs FEU (M)

2 p.m. UP vs Adamson (W)

4 p.m. La Salle vs Ateneo (W)

 

MANILA, Philippines - Naghatid ng 16 kills si Dindin Santiago para pamunuan ang 25-18, 26-24, 25-23, pangingibabaw ng National University sa FEU sa 76th UAAP women’s volleyball second round kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May walong digs pa si Santiago habang may nine kills at tatlong blocks si Myla Pablo at ang Lady Bulldogs ay nagdomina sa net game, 50-29, para katampukan ang ikalimang sunod na panalo at ikapito sa walong laro at manati­ling selyado ang ikalawang puwesto.

Ikaapat na kabiguan sa walong laro ang tinamo ng Lady Tamaraws at kahit nanatili sila sa mahalagang ikaapat na puwesto, puwede silang saluhan uli ng Adamson na kalaban ang UP ngayong hapon.

Binuhay ng UST ang nanghihinang kampanya nang wakasan ang apat na sunod na kabiguan sa 25-19, 25-14, 23-25, 25-22, panalo sa UE sa unang laro.

Sina Pamela Lastimo­sa, Jessey De Leon at Carmela Tunay ay tumapos taglay ang 18, 13 at 12 hits para sa Lady  Tigresses na dumalawa sa Amazons sa taong  ito.

Nakisalo sa mga nag­pasikat ang Ateneo nang palasapin ng unang pagkatalo ang nagde­depensang kampeon sa kalalakihan na National University sa 24-21, 26-24, 25-23, straight sets panalo sa men’s division.

Nanatili sa unahan ang Bulldogs sa 7-1 baraha pero ang pagkatalo ay na­ngahulugan na magkakaroon ng Final Four sa nasabing dibisyon.

 

ADAMSON

ATENEO

CARMELA TUNAY

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

JESSEY DE LEON

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with