Mas magaling na coach ipapalit kay Weiss
MANILA, Philippines - Mas mataas ang kalibre ng mga coaches na kukunin ng Pilipinas para ipalit sa bibitiwang national men’s football coach na si Hans Michael Weiss.
Ito ang sinabi ni Azkals team manager Dan Palami na binanggit pa na anim na ang pangalang nasa kanya para pagpilian.
“I have six candidates already and hopefully I get to interview them. One is based in UK, one is based in Hong Kong coaching their winningest club, and one is based in US and Germany and somebody from Montenegro. Some of them have experiences already with Barcelona, with Manchester, Liverpool, these are the caliber of coaches that we are looking at right now,†ani Palami.
Sa Enero 15 inaasa-hang maglalabas ng opis-yal na anunsyo ang Philippine Football Federation (PFF) sa estado ni Weiss na ang kontrata ay dapat matatapos pa sa Marso.
May lumabas na panaÂyam sa German coach na kinukumpirma na tinatapos na ng PFF ang kanyang serbisyo at bagamat hindi pa ito sinegundahan ni Palami, ang kanyang aksyon sa binitiwang mga pahayag ang nagtuturo na mawawala na ang foreign coach ng Azkals.
Unang malaking torneo na haharapin ng Azkals sa taong ito ay ang AFC Challenge Cup sa Maldives na gagawin sa Mayo.
Ang pagkakaroon ng ilang buwan para maÂkaÂpaghanda ang nagtulak sa PFF na magdesisyon na magpalit na ng coach.
Si Azkals assistant coach Edwin Cabalida ang siya ring tinokahan ni PaÂlami na pangasiwaan ang mga unang preparasyon ng koponan hanggang sa mapangalanan ang bagong coach na maaaring mangyari sa unang linggo ng Pebrero.
Kinuha si Weiss noong 2011 at sa kanyang pagmamando ay naibulsa ng Pilipinas ang kauna-unaÂhang football championship matapos ang 99-taon nang pangunahan ang Philippine Football Peace Cup noong 2012.
Naibalik din niya ang koponan sa Suzuki Cup semis sa nasabing taon at noong 2013 ay naigiya ang Azkals sa unang puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup Group qualifiers na ginawa sa Pilipinas.
Bunga ng mga panalong ito, ang Pilipinas ay nasa 127th puwesto sa FIFA rankings na siyang pinakamataas sa kasaysayan ng football sa bansa.
- Latest