Sa pagsisimula ng taon, nakabitin pa rin ang budget ng Philippine Sports Commission (PSC).
Wala pa ring katiyakan kung mapopondohan ba ang mga pangangailangan ng atleta ng bansa.
Bagama’t aminado ang PSC na may budget para sa sports ang bansa, ito ay kakapurit lamang kumpara sa tunay na pangangailangan upang mapasigla ang sports dito sa Pilipinas.
Marami sa mga atleta natin sa ngayon ang hindi na ipiÂnagpapatuloy ang kanilang career sa sports dahil na rin sa kakulangan sa budget. Hindi kasi maibigay ng PSC ang kinakailangang training para sa mga atleta naÂtin na nagreresulta sa disappointments at frustration ng karamihan sa ating mga atleta.
Dagdag pa dito, wala sa internasyunal na standards ang ating mga pasilidad. Natural lamang na kapag wala sa standards, bagsak din ang pagsasanay ng ating mga atleta, lalo na ang mga sasabak sa mga internasyunal na kompetisyon.
Sabi ng PSC na kakailanganin nila ang mahigit sa P800 milyon para matugunan ang mga pangangailaÂngang ito.
Bagama’t tayo ay sang-ayon sa pagdadagdag ng budÂget sa PSC, ang kinakailangan ay ang maayos na monitoring kung saan napupunta ang pondong ito.
Ito ang bagay na kulang sa ating gobyerno -- ang monitoring kung saan napupunta ang budget.
Para sa atin, nararapat lamang na taasan ang budget ng PSC, pero kinakailangan na may sapat na pananagutan ang mga hahawak nito, particular na ang PSC.
Kadalasan, ay napupunta sa wala ang buwis ni Juan dela Cruz dahil sa sandamakmak na pulitika at koÂrupsyon sa ating gobyerno.
Sa PSC na lamang, kahit premyado ang sports na hawak ng isang National Sports Association, hindi pa rin nakakasiguro na malaki ang budget nito para sa traiÂning at partisipasyon sa mga kompetisyon, local man o internasyunal.
Umapela na ang gustong umapela. Pero ito ang liÂtaw na katotohanan na noon pang unang panahon ay pinupuna na natin. At madalas, dahil sa mga paÂmuÂmulitika ng mga pamunuan ng mga ahensyang ito, ang nagsasakripisyo ay ang kawawang atleta na nakasalang sa kompetisyon.
Tama na taasan ang budget para sa sports, pero daÂpat na may pananagutan ang pamunuan ng PSC sa pag-disburse nito.
Abangan natin ang mangyayari.