NU umiskor sa women’s at men’s volleyball

Laro sa Sabado:

(The Arena, San Juan)

8:30 a.m. Adamson

vs UST (men)

10 a.m. Ateneo

vs La Salle (men)

2 p.m. UE vs UP (women)

4 p.m. UST vs FEU (women)

 

MANILA, Philippines - Humataw sina Dindin at Jaja Santiago ng pinagsamang 29 points para ibigay sa National University ang 25-17, 25-22, 25-14  laban sa University of the Philippines sa UAAP Season 76 wo­men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Are­na sa San Juan kahapon.

Ito ang ikatlong sunod na tagumpay ng Lady Bulldogs.

Ang lahat ng 6 blocks ng NU ay nanggaling sa mag-utol na Santiago.

Nalasap ng UP ang ka­nilang pang-anim na dikit na kamalasan at nakatakdang labanan ang kulelat ring University of the East sa Sabado.

Nagtala si Angeli Araneta ng 9 blocks, habang may tig-7 points naman sina Ka­thy Bersola at Sheeka Es­pinosa para sa Lady Ma­roons.

Sa men’s play, nagpos­te sina Peter Torres at Ed­win Tolentino ng tig-10 points para akayin ang nag­dedepensang NU sa 25-16, 25-14, 25-22 paggu­po sa University of the East.

Isang panalo pa ang kai­langan ng Bulldogs para mawalis ang first round ng men’s division.

Show comments