INDIANAPOLIS--Tumapos si Paul George taÂngan ang 24 puntos habang si Lance Stephenson ay mayroong 23 at ang IndiaÂna Pacers ay umangat sa itaas ng standing sa EasÂtern Conference sa 23-6 sa pamamagitan ng 105-91 panalo laban sa Brooklyn Nets noong Sabado.
Si George Hill ay naghatid pa ng 21 puntos para sa Pacers na may limang manlalaro na nasa double digits at iniwan ang Nets sa ikatlong yugto.
Sina Roy Hibbert at David West ang dalawa pang Pacers na may doble-pigura sa 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Apat na manlalaro ng Nets ang nasa double-diÂgits sa pamumuno ni Paul Pierce sa kanyang 18 pero hindi ito sapat para pigilan ang paglasap ng 10-20 baraha.
Sa Boston, naitakas naman ng Celtics ang 103-100 panalo laban sa Cleveland CaÂvaliers.
Tig-17 puntos ang ibiÂnigay nina Jeff Green at Jordan Crawford habang si Brandon Bass ay may 15 at ang mahalagang block kay Dion Waiters sa papaubos na segundo sa orasan ang naging susi para sa panalo ng Celtics.
Naipasok din ni Bass ang ikalawang tres matapos ang 18 career-attempts para dagdagan ang kinang ng panalo ng home team.
Sa Portland, tinabunan ni Chris Bosh ang pagkawala ng injured na si LeBron James, nang kanyang banderahan ang Miami Heat sa 108-107 pananaig laban sa host team.
Tumapos si Bosh ng season-high 37 points, tampok ang go-ahead 3-pointer sa huling 0.5 seÂgundo ng labanan at ipalasap sa Blazers ang ikatlong talo sa kanilang homecourt ngayong season.
Naglista rin si Bosh ng 10 rebounds para sa Heat.
Nagtala si Wesley Matthews ng 23 points para sa Portland na nanalo ng pito sa kanilang huling 8-laro.
Nagtamo si James ng injury sa right groin at nataÂpilok ang kaliwang paa noong Biyernes ng gabi sa 108-103 overtime loss sa Sacramento na pumutol ng winning streak ng Miami sa anim.
Nanatili siya sa laro at tumapos ng 33 points, eight rebounds at eight assists.
Nag-warm-up pa ang four-time NBA MVP bago ang laro ngunit idineklarang inactive, halos isang oras na lamang bago ang tipoff. Si Michael Beasley ang kapalit niyang starter.