Cash incentives ng mga SEAG medalists ibinigay na
MANILA, Philippines - Nagsimulang ipamigay kahapon ng PhÂilippine Sports Commission (PSC) ang insentibo na tatanggaÂpin ng mga atletang nanalo ng medalya sa 27th SEA Games sa Myanmar na naÂtapos noong Linggo.
Nangyari ito matapos makausap ni PSC chairman Ricardo Garcia si PAGCOR Assistant Vice President for Community Relations Henry Reyes kahapon ng umaga at ibiÂnigay ni Reyes ang go-signal na abonohan muna ng Komisyon ang perang ipantutustos sa insentibo.
Nanalo ang 210-Pambansang atleta ng 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze meÂdals sa SEAG para umaÂbot sa P7.695 milyon ang halaga ng insentibo.
Ang bawat ginto ay nagkakahalaga ng P100,000.00, ang pilak ay P50,000.00 at ang bronze ay P10,000.00 base sa InÂcentives Act.
Ang mga coaches ng nanalong atleta ay tatanggap din ng kalahati sa premÂyo ng manlalaro.
Naunang pinangambahan na sa Enero na maipapaabot ang insentibo dahil hindi natalakay ng PAGCOR board ang usapin sa SEA Games incentives.
Binalak ni Garcia na kausapin si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. para hingiin ang pagsang-ayon na gamitin muna ang pondo ng PSC para matanggap na ng mga nanalong atleta ang pabuya.
Ngunit hindi nakontak ni Garcia si Ochoa pero masuwerteng nakausap si Reyes na ibinigay ang basbas sa hakbang ng PSC.
Lalabas na ang golfer na si Princess Superal at si Archand Christian Bagsit bilang natatanging double-gold medalists ng Pambansang koponan.
Kampeon sa individual at kasama rin sa team champion si Superal sa golf habang si Bagsit ang nanguna sa 400m individual at trinangkuhan ang 4x400m relay nang nanaig sa Thailand.
Nakasaad sa batas na ang isang koponan na binubuo ng apat katao pababa ay paghahatian ang halagang dapat na makuha katumbas ng medalyang napanalunan.
Dahil ang golf team ay binubuo lamang ng tatlong manlalaro, si Superal ay mag-uuwi ng mahigit na P133,000.00 habang si Bagsit ay mayroong P125,000.00.
Ang men’s basketball team na kinuha ang ika-15 ginto sa SEAG ay maghahati sa P200,000.00 premÂyo dahil doble ang halagang ipamimigay kapag ang koponan ay higit sa apat katao.
Ang taguri bilang atletang may pinakamalaking insentibo ay nakuha ni lady cue-artist Rubilen Amit na may ginto (10-ball) at pilak (9-ball) para humakot ng P150,000.00 insentibo.
- Latest