^

PSN Palaro

Batang Pier dapat kondisyon — Tan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier dapat kondisyon — Tan
Isa si Joshua Munzon sa mga inasahan ng NorthPort sa pagdaig sa guest team Hong Kong Eastern.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bagama’t nasa isang three-week break ay dapat pa ring maging kondisyon ang NorthPort sa pagba­balik ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa Enero 5.

Ito ang kabilin-bilinan ni coach Bonnie Tan sa kanyang mga Batang Pier na nagdadala ng 6-1 record para solohin ang liderato kasunod ang guest team Hong Kong Eastern (6-2) at Converge FiberXers (6-2).

“We spoke about that side regarding the long break. And I told the team they’re all professionals naman,” wika ni Tan sa kanyang tropa.

“So dapat ‘yung conditioning nila nandoon pa rin, ‘yung timing nandoon pa rin to continue the good run sa mga nakuha naming panalo.”

Huling naglaro ang NorthPort noong Dis­yembre 20 kung saan nila pinatumba ang Eastern, 120-113.

Magbabalik sila sa hardcourt sa Enero 8 katapat ang Barangay Ginebra (4-2) sa Philsports Arena sa Pasig City.

“We’ll see next year. Mabigat kasi ‘yung sche­dules namin,” ani Tan sa kanilang mga susunod na labanan para sa tsansang umabante sa quarterfinal round ng torneo.

Matapos ang Gin Kings ay haharapin ng Batang Pier ang Meralco Bolts (3-2) sa Enero 14, ang Rain or Shine Elasto Painters (4-1) sa Enero 16, ang San Miguel Beermen (3-3) sa Enero 21 at ang Blackwater Bossing (1-5) sa Enero. 25.

Sa pagpapatuloy ng torneo sa Enero 5 ay lala­banan ng Eastern ang Meralco sa alas-5 ng hapon kasunod ang upakan ng mag-utol na Ginebra at San Miguel sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with