MANILA, Philippines - Maliban sa suspensyon, gusto rin ni Manny Pacquiao na pagmultahin ang kanyang makakalaban sakaling bumagsak ito sa drug test.
Ito ang pahayag kahaÂpon ni Pacquiao, nagdiwang ng kanyang ika-35 kaarawan kahapon, sa panayam ng ABS-CBN News ilang araw matapos bumagsak sa drug test ang nakaharap na si Brandon Rios.
“Next fight na magkakaÂroon ako, ilalagay ko sa kontrata ko na kapag mag-positive ‘yung kalaban ko, dapat mag-multa siya,†wika ni Pacquiao, binugbog si Rios sa kanilang non-title, welterweight fight noong Nobyembre 24 sa Macau, China.
“Hindi lang suspinde. Mag-multa siya sa commission, para ma-disiplina ‘yung boxer at ‘yung trainer,†sabi ni ‘Pacman’.
Matapos matalo kay Pacquiao via unanimous decision, positibo naman si Rios sa paggamit ng banÂned substance na methylhexanamine, isang kilalang dietary supplement.
Ang pagsusuri kay Rios ay ginawa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA).
Negatibo naman ang Filipino world eight-division champion sa ginawang pagsusuri ng VADA na apat na pre-fight tests at post-fight blood at urine tests.
Sinabi ni Pacquiao na hindi niya akalain na gumamit si Rios ng isang banned substance.
Si Rios ay ginabayan ni strength and conditioning trainer Alex Ariza na dati ring nangalaga sa konÂdisyon at kalusugan ni Sarangani Congressman.
Ang 27-anyos na si Rios ay sinuspinde ng ChiÂna Professional Boxing Association hanggang Abril ng 2014.