MANILA, Philippines - SI Jeron Teng ang pinaÂkamahusay na collegiate players na nakita sa taong 2013.
Ito ang naging desisyon ng mga mamamahayag na bumubuo sa UAAP at NCAA Press Corps nang ang sophomore player ng La Salle ang ginawaran ng SMART Player of the Year.
Ibinigay ang tampok na parangal kay Teng kagabi sa 2013 Collegiate Basketball Awards na suportado rin ng SMART sa SaiÂsaki-Kamayan Edsa sa Greenhills.
Ang kanyang liderato at husay sa paglalaro ang nakatulong para kunin ng Archers ang kampeonato sa Season 76 men’s basketball.
“He is there to motivate his teammates. I also like his mentality in the end game where he takes it hard to the basket,†wika ni Archers coach Juno SauÂler na tumanggap din ng Coach of the Year award.
Sa finals tunay na lumutang ang talento at tibay ng loob ni Teng dahil tinalo ng Archers ang UST na kung saan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jeric ay kabilang.
Dalawang award ang nakuha ni Teng dahil kasama rin siya sa Collegiate Mythical Team kasama sina Terrence Romeo ng FEU, Raymond Almazan ng Letran, Ola Adeogun ng National University at Bobby Ray Parks Jr. ng National University.
Binigyan din ng Coach of the Year award si BoÂyet Fernandez matapos mapagkampeon ang San Beda sa NCAA.
Ang mga binigyan ng citations sa kaganapang suportado ng Smart Sports, Accel 3XV1, Gatorade, Meralco, Talk N’ Text, Filoil Flying V, UAAP host Adamson, NCAA host St. Benilde at Philippine Sportswriters’ Association ay sina Arnold Van Opstal at Art dela Cruz para sa Pivotal Player, Jason Perkins at Baser Amer sa Impact Player at sina Rome dela Rosa, Jeric Teng at RR Garcia bilang Super Senior.