^

PSN Palaro

Teng pinakamahusay na collegiate player

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - SI Jeron Teng ang pina­kamahusay na collegiate players na nakita sa taong 2013.

Ito ang naging desisyon ng mga mamamahayag na bumubuo sa UAAP at NCAA Press Corps nang ang sophomore player ng La Salle ang ginawaran ng SMART Player of the Year.

Ibinigay ang tampok na parangal kay Teng kagabi sa 2013 Collegiate Basketball Awards na suportado rin ng SMART sa Sai­saki-Kamayan Edsa sa Greenhills.

Ang kanyang liderato at husay sa paglalaro ang nakatulong para kunin ng Archers ang kampeonato sa Season 76 men’s basketball.

“He is there to motivate his teammates. I also like his mentality in the end game where he takes it hard to the basket,” wika ni Archers coach Juno Sau­ler na tumanggap din ng Coach of the Year award.

Sa finals tunay na lumutang ang talento at tibay ng loob ni Teng dahil tinalo ng Archers ang UST na kung saan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jeric ay kabilang.

Dalawang award ang nakuha ni Teng dahil kasama rin siya sa Collegiate Mythical Team kasama sina Terrence Romeo ng FEU, Raymond Almazan ng Letran, Ola Adeogun ng National University at Bobby Ray Parks Jr. ng National University.

Binigyan din ng Coach of the Year award si Bo­yet Fernandez matapos mapagkampeon ang San Beda sa NCAA.

Ang mga binigyan ng citations sa kaganapang suportado ng Smart Sports, Accel 3XV1, Gatorade, Meralco, Talk N’ Text, Filoil Flying V, UAAP host Adamson, NCAA host St. Benilde at Philippine Sportswriters’ Association ay sina Arnold Van Opstal at Art dela Cruz para sa Pivotal Player, Jason Perkins at Baser Amer sa Impact Player at sina Rome dela Rosa, Jeric Teng at RR Garcia bilang Super Senior.

 

ARNOLD VAN OPSTAL

BASER AMER

BOBBY RAY PARKS JR.

COACH OF THE YEAR

COLLEGIATE BASKETBALL AWARDS

COLLEGIATE MYTHICAL TEAM

FILOIL FLYING V

IMPACT PLAYER

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with