^

PSN Palaro

Makatakbo sa 2014 Paris marathon Buenavista, Tabal iisa ang hinahabol

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon na makakapunta si two-time Olympic Games campaig­ner Eduardo ‘Vertek’ Bue­navista sa Paris, France, habang ngayon pa lamang makakarating si Mary Joy Tabal.

Nakamit nina Buenavista at Tabal ang karapatang katawanin ang Pilipinas sa darating na 27th Paris Marathon sa Oktubre ng susunod na taon matapos bumandera sa 37th MILO Marathon National Finals kahapon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

“Okay naman ang experience ko sa Paris,” sabi ng 35-anyos na five-time MILO national Finals champion sa una niyang pagbisita sa Paris noong 2003 kung saan siya lumahok sa 5-kilometer run sa isang pakarera.

“Malamig dun, malinis. Excited na akong makabalik sa Paris.”

Nanguna ang 4-foot-11 na si Buenavista sa men’s 42-kilometer division sa kanyang inirehistrong oras na 2:27:14 para ungusan sina Rene Desuyo (2:32:34) at Irineo Raquin (2:32:57) at angkinin ang premyong P150,000.

Nagsumite naman ang 24-anyos na si Tabal ng tiyempong 2:48:00 kasunod ang dating reynang si Mary Grace Delos Santos (2:54:27) sa Open division.

“Siyempre, excited po akong makarating sa Paris kasi Singapore at Malaysia lang ako nakakasali,” wika ng 4’11 ding si Tabal na may Masters Degree sa kursong public administration sa Southwestern University sa Cebu City.

Ang lahat ng gastusin para sa nasabing partisipasyon nina Buenavista at Tabal sa 2014 Paris Marathon ay sasagutin ng MILO, ayon kay Sports Executive Andrew Neri.

“Actually, ipapadala ko na ‘yung pangalan nina Buenavista at Tabal sa Paris Marathon organizers,” sabi ni Neri.

Maliban naman sa kanyang premyong P250,000 ay naibulsa rin ni Tabal ang bonus na P20,000 matapos basagin ang dating course record na 2:48:16 ni Jho Ann Banayag noong 2006.

“Magagamit ko na ito (premyo) sa pangarap kong magkaroon ng isang running academy sa Cebu,” sabi ni Tabal.

Kabuuang 26,681 runners ang sumali sa MILO National Finals kung saan ang 21,168 dito ay sumabak sa 5K; 2,177 sa 21K; 1,595 sa 3K; 1,374 sa 10K at 367 sa 42K.

Nagwagi sa 21K event si Immunel Camino (1:12:52) at Devine Bautista (1:42:36) sa men’s at women’s division, habang sina Ruel Suazo (00:33:38) at Joan Jeruto (00:41:25) ang nanguna sa 10K, ayon sa pagkakasunod.

BUENAVISTA

CEBU CITY

DEVINE BAUTISTA

IMMUNEL CAMINO

IRINEO RAQUIN

JHO ANN BANAYAG

PARIS

PARIS MARATHON

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with