^

PSN Palaro

Lady Troopers vs HD Spikers sa PSL Finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilinya ng TMS-Army ang sarili sa posibleng back-to-back titles nang patalsikin ang Cagayan Valley, 25-15, 25-20, 25-17, sa Philippine Super Liga Volleyball Grand Prix semifinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtulungan sina Thai import Luangtonglang Wa­nitchaya at ang mga locals na sina Jovelyn Gonzaga at Rachelle Ann Daquis para marating ng Lady Troopers ang Finals sa ikalawang sunod na taon sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation bukod sa ayuda ng Mikasa, Asics, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.

May 12 kills tungo sa 13 hits si Wanitchaya habang tig-11 ang ginawa nina Gonzaga at Daquis para hiyain ang Lady Rising Suns sa straight sets panalo.

Sinilat naman ng Cignal ang walang talo sa classification round na PLDT-MyDSL nang angkinin ang 17-25, 25-22, 21-25, 27-25, 16-14, tagumpay sa isa pang semis match.

Hindi napigil si Li Zhanzhan sa pinakawalang 27 hits at ang HD Spikers na tinalo ang Petron sa quarterfinals ay magkakaroon ng pagkakataon na makatikim ng kampeonato sa pangalawang taon ng paglalaro sa liga.

 

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

JINLING SPORTS

JOVELYN GONZAGA

LADY RISING SUNS

LADY TROOPERS

LI ZHANZHAN

LUANGTONGLANG WA

PASIG CITY

PHILIPPINE SUPER LIGA VOLLEYBALL GRAND PRIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with