Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 pm Cagayan vs RC Cola (w)
4 pm Cignal vs Petron (W)
6 pm PLDT-MyDSL vs Maybank (M)
MANILA, Philippines - Papangatawanan ng Cagayan Valley at Cignal ang pagkakaroon ng mas mataas na seeding sa mga kalaban na RC Cola at Petron sa pagbubukas ng Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang mananalo sa labaÂnang ito ay aabante sa semifinals na kung saan naghihintay na ang walang talong PLDT-MyDSL at nagdedepensang kampeon TMS-Army.
Dumiretso ang Speed Boosters at Lady Troopers sa Final Four matapos paÂngunahan ang classification round.
Unang sasalang ang Lady Rising Suns laban sa baguhang Raiders sa ganap na alas-2 ng hapon bago pumalit ang HD SpiÂkers kontra sa Blaze SpiÂkers dakong alas-4.
Ang PLDT-MyDSL at Maybank ay magtutuos dakong alas-6 ng gabi at ang mananalo ang makakalaban ng Systema sa Finals ng men’s division sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation.
Tinalo ng Lady RiÂsing Suns ang Raiders sa apat na sets, 23-25, 25-16, 25-18, 25-12, at aasa ang koponan sa husay nina Thai imports Wanida Kotruang at Patcharee Saengmuang.
Dinomina rin ng Cignal ang Petron, 17-25, 25-19, 25-16, 25-18, pero mataas din ang kumpiyansa ng huli matapos makatikim ng unang panalo sa ligang may ayuda ng Mikasa, Asics, LGR at Jinling Sports.
Ipinakita ng Petron ang determinasyon nang bumangon mula sa pagkatalo sa unang dalawang sets para sa 20-25, 19-25, 25-21, 25-12, 15-5, dominasyon laban sa RC Cola.
Ang mananalo sa unang laro ang katipan ng TMS-Army habang ang magwawagi sa ikalawang laro ang kasukatan ng PLDT-MyDSL sa semis na lalaruin sa Sabado.