^

PSN Palaro

Pacquiao namigay ng tulong sa Yolanda victims

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maliban sa relief goods ay namigay din si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ng pera para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa kanyang pagdating sa Guiuan noong Sabado.

Ang bawat pamilyang kanyang napuntahan ay binibigyan ni Pacquiao ng P1,000, habang ang mga mas naghihirap ay mas malaki pang halaga ang kanyang iniaabot.

Matapos matulog sa isang tent kasama ang mga evacuees sa compound ng Eastern Samar State University sa Guiuan ay pinamunuan naman ni Pacquiao ang isang Bible session kahapon ng umaga.

Sinabi ni Pacquiao na kumpiyansa siyang ma­kaka­bangon ang mga bik­tima ng bagyo hangga’t matibay ang kanilang pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Para makabili ng bigas, de-lata at iba pang kailangan ng mga biktima ng bagyo ay nangutang si Pacquiao ng P1.1 milyon dahil na rin sa freeze order na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kanyang mga bank accounts pati na sa kanyang asawang si Jinkee.

Matapos sa Guiuan ay didiretso si Pacquiao sa Ormoc City at Tacloban para mamahagi ng relief goods.

 

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

EASTERN SAMAR STATE UNIVERSITY

GUIUAN

JINKEE

MATAPOS

ORMOC CITY

PACQUIAO

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with