MANILA, Philippines - Hindi hahayaan nina Donnie Nietes at Merlito Sabillo na sila ang maging dahilan para maputol ang pagpapanalo ng mga Filipino boxers laban sa mga dayuhan.
Sa isinagawang huling press conference para sa Pinoy Pride XXIII kahapon sa Gloria Maris sa Gateway sa Cubao, Quezon City, inihayag nina Nietes at Sabillo na inspirado silang aakyat ng ring laban kina Sammy Gutierrez ng Mexico at Carlos Buitrago ng Nicaragua bukas ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang kanilang nararamdaman dahil sa magagandang panalo nina Nonito Donaire Jr. at Manny Pacquiao.
“Masayang-masaya kami sa panalo nina Pacquiao at Donaire at gaÂnadung-ganado kaming lalaban,†wika ni Nietes, ang WBO light flyweight champion, at main event sa pa-boxing na handog ng ALA Boxing Promotions katuwang ang ABS-CBN.
“Wala kaming pressure na nararamdaman kungdi ganado kami. Marami rin kaming natutunan sa panalo ni Pacquiao at isa rito ay ang gamitin ang utak sa pagsasanay at sa paglaban. Kailangan din ng pasensya. Kung hindi kaya makuha sa KO, hindi na dapat pilitin,†banggit pa ni Sabillo, ang WBO minimumweight champion.
Hindi biro ang haharaÂping hamon ng dalawang world champions dahil si Gutierrez ay dating WBO minimumweight champion, habang ang 21-anyos na si Buitrago ay hindi pa natatalo sa 27 laban at interim champion ng dibisyon.
Inulit din nina Gutierrez at Buitrago ang kahandaan na agawin ang dalawang titulo sa mga Pinoy champions.
“He is a great champion but I am determined to bring home the title,†wika ni Gutierrez gamit ang interpreter.
Si Buitrago na itinuring na ang tatlong Mexicano na nakaharap ang pinaka-mabigat na laban sa kanyang career, ay tiniyak din ang napipintong tagumpay.
“I am the interim champion and absolutely want to win the legitimate title. I trained very well for two months, I come to win and confident will leave the country with the title,†dagdag ni Buitrago.
Dalawa pang WBO international championships ang mauunang isasalang na katatampukan ng pagdepensa nina flyweight champion Milan Melindo at light-welterweight titlist Jason Pagara laban kina Jose Alfredo Rodriquez ng Mexico at Vladimir Baez ng Dominican Republic.
“Mahalaga sa akin ito dahil step ito para makalaban uli ako sa world title,†ani Melindo na noong HulÂyo 27 at nabigo na kunin ang WBO at WBA flyweight title nang lumasap ng una-nimous decision kabiguan kay Juan Francisco Estrada ng Mexico.