Ang pagbabalik ni Pacquiao binugbog si Rios sa Cotai Arena
Macau--Bumalik si eight-time world champion Manny Pacquiao sa puso ng mga boxing fans matapos kunin ang unanimous decision victory laban kay Brandon Rios sa harap ng 13,101 fans kahapon dito sa Cotai Arena.
Ang pagbabalik ni Pacquiao mula sa dalawang magkasunod na kabiguan noong nakaraang taon ay kumpleto maliban lamang sa kakulangan ng magandang laban gaÂling kay Rios.
Lumaban siya na tila isang bagong tao na taglay pa rin ang kanyang lakas at bilis at iniwan si Rios na sumusuntok sa hangin.
“I kept my promise we will rise again. In purity there’s victory,†sabi ni Pacquiao.
“I was beaten by one of the best fighters in the world and his speed and awkwardness made the difference, “ wika naman ni Rios.
Nagbigay si judge Michael Pernick ng iskor na 120-108 para kay Pacquiao, habang nakatanggap siya kay judge Lisa Giampa ng 119-109 at 118-110 kay Manfred Kochler para sa kanyang unanimous decision win.
Sa loob ng 12 rounds ay ipinakita ni Pacquiao ang kanyang pamatay na porma na nagtampok sa kanyang mga kombinasyon na gumimbal sa kanyang mga unang nakalaban.
Hindi na binigyan ni Pacquiao ng panahon ang Me-xican-American para makaporma.
“He did exactly what we had planned to do. He did not knock him out but that’s okay,†wika ni trainer Freddie roach.
Matapos ang kanyang panalo na nagbalik sa paniniwala sa kanya ng Filipino crowd sa gitna ng pagsigaw ng “Manny, Manny, Manny!†sa venue at sa Pilipinas, hinimok ni Pacquiao ang kanyang mga fans na tumulong sa relief work para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Pinasalamatan niya ang ABS-CBN at ang GMA pati na ang mga nagbigay ng cash donations at mga damit at pagkain at nangakong sasamahan ang mga nasalanta sa kanyang pag-uwi.
Ngunit mas malaki pa ang kanyang nagawa sa mga kababayan niya matapos bumangon mula sa matinding kabiguan noong Disyembre at buhayin ang pag-asa ng mga biktima ng bagyo.
- Latest