^

PSN Palaro

Philab, La Salle umusad sa 2nd round

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit ang mga palo ng slugger na si Jonas Ponce para tulungan ang Philab sa 7-3 panalo sa Philippine Air Force sa pagpapatuloy kahapon ng 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Field.

Dalawang beses na ku­munekta si Ponce sa tatlong pagpalo at nagpasok ng dalawang runs at umiskor pa ng dalawa.

Tinalo ng La Salle ang Dragons, 4-3, sa ikalawang laro para makasama ng Philab sa second round sa winner’s bracket.

Ang Airforce at Dra­gons ay bumaba sa loser’s bracket at isa pang pagkatalo ay tuluyang magpapatalsik sa kanila sa 16-koponang liga na inorganisa ng PSC Chairman Ricardo Garcia.

Sa first inning pa lamang ay nagpasikat na si Ponce sa kanyang two-run single at sa third inning ay umiskor ng kanyang unang run para bigyan ang Ballbusters ng 6-1 kalamangan.

Hindi pa siya natapos dahil sa huling seventh inning ay bumanat si Ponce ng double sa center field bago umiskor sa palo ni Keiji Katayama.

Ang Philab na tinalo ang Airmen sa championship sa Philippine National Games, ay may 12 hits at siyam rito ay kinuha sa starter na si Jon Jon Robles.

Tatlong pitchers ang ginamit ng Ballbusters at si starter Romeo Jasmin ang winning pitcher.

 

ANG AIRFORCE

ANG PHILAB

BALLBUSTERS

CHAIRMAN RICARDO GARCIA

CUP BASEBALL CLASSIC

JON JON ROBLES

JONAS PONCE

KEIJI KATAYAMA

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with