MACAU -- Isa lamang itong non-title fight sa 147 pounds, ngunit malaki ang nakataya sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kontra kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios ngaÂyong umaga dito sa Cotai Arena.
“I’m not past my prime,†sabi ni Pacquiao sa pagharap niya kay Rios.
Sa isang bansang sinalanta ng bagyong ‘Yo-landa’, hindi na kailangan ng mga Pinoy ng isa pang malaking trahedya.
Kaya pipilitin ni Pacquiao, ang national treasure, na pigilan ito sa kanyang pag-akyat sa boxing ring laban kay Rios.
Inaasahang gagamitin ni Pacquiao ang lahat ng kanyang lakas para gawin ito.
Para sa halos 90 mil-yong Filipino, ang panalo ni Pacquiao ang makakatulong para sa pagba-ngon ng mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ na nagtala ng humigit-kumulang sa 5,000 namatay sa Visayas Region.
Iniaalay ng 34-anyos na si Pacquiao ang laban para sa kanyang mga ka-babayan.
At anuman ang ma-ging resulta ng kanilang laban ng 27-anyos na si Rios ay kaagad siyang uuwi ng Pilipinas bukas at didiretso sa Tacloban.
Kahapon sa official weigh-in sa isang enclosed section ng 15,000-seat arena, naagaw ang pansin ni Pacquiao sa pagsigaw ng isang Pinoy sa audien-ce.
“Para sa Tacloban! Para sa Tacloban!†sigaw ng lalaki.
Ang Tacloban, may laÂyong 360 milya sa Manila, ang higit na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.
Maaaring bumilang ng taon bago makabangon ang mga mamamayan ng nasabing probinsya.
Ngunit ang panalo ng Sarangani Congressman ang magbibigay sa kanila ng dahilan para ngumiti.
“I want to bring happiness to the people,†sabi ni Pacquiao, tumimbang ng 145 pounds, samantalang mas mabigat naman sa kanya ng 146.5 pounds si Rios.
Kung matatalo si Pacquiao ay magpapatuloy ang pagluluksa ng bansa.
Dalawang sunod na beses natalo si Pacquiao noong nakaraang taon.
NaÂbigo siya kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 at napabagsak naman ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong Disyembre 8.
Ang kabiguan kay Rios ang maaaring maging huling laban ni Pacquiao.
At alam niya ito.
“But what happened in the past is past. I’m hungry now,†wika ng tanging boksingerong nagkampeon sa walong magkakaibang weight classes.
“That I will try to prove on Sunday and try to convince the people,†sabi pa ni Pacquiao, nagdadala ng 54-5-2 kasama ang 38 knockouts.