Hobe Bihon, Skyforce lumapit sa finals

Laro Ngayon

(Marikina Sports Center)

7p.m. Skyforce vs PL Antipolo

8:360 p.m. Hobe Bihon vs Sta. Lucia East Grand Mall

 

MANILA, Philippines - Dinurog ng nagdedepensang kampeon Hobe Bihon ang PL Antipolo, 88-76, sa pagsisimula ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup semifinals noong Huwebes ng gabi sa Marikina Sports Center.

Gumawa sina Ramsey Williams at dating PBA Best Import awardee Jamelle Cornley tungo sa 1-0 karta sa hanay ng apat na nakatayong koponan.

May 15 puntos si Williams habang 13 ang ibinigay ni Cornley para sa Hobe Bihon na sinaluhan ng Skyforce na nalusutan naman ang dating kampeon Sta. Lucia East Grand Mall, 78-74.

 Pagsisikapan ng Hobe Bihon at Skyforce na lumapit sa puwesto sa Finals sa pagharap sa Sta. Lucia East Grand Mall at PL Antipolo ngayong gabi.

Inorganisa ang palaro ni Marikina City Mayor Del De Guzman at suportado ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store at  Luyong Panciteria.

Show comments